
Sunod-sunod ang pinapalabas na horror films ngayong taon. Nauna ang blockbuster hit na Corazon: Ang unang Aswang nina Erich Gonzales at Derek Ramsey noong Marso. Nitong Hulyo lang, pinilahan din ang pagbabalik pelikula ni Star for All Season Vilma Santos via The Healing. Itatanghal din ang Guni-guni starring Lovi Poe ngayong August 22. Coming soon naman ang higanteng Tiktik: The Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes, The Basement starring GMA stars lead by Kristofer Martin, Enzo Pineda, Louise De Los Reyes, Sarah Labhati. Shake, Rattle and Roll naman sa Disyembre na ika 14th installment na.
Isa pang palabas na kabilang sa horror genre ang huhusgahan kung papatok sa takilya. Eto ay ang Amorosa: The Revenge. Bida si Angel Aquino kasama ang teen heartthrobs na sina Enrique Gil at Martin del Rosario sa direksyon ni Topel Lee. Si direk Topel ang gumawa ng Ouija (Jolina, Juday, Iza, Rhian), Tumbok (Christine Reyes), Sundo (Robin Padilla) at White House (Gabby Concepcion) kaya inaasahan pa rin na maganda at talagang nakakatakot ang movie na ito.
Kuwento ito ng isang pamilya na bagong lipat ng bahay. Lingid sa kaalaman ng pamilya na pinamumugaran ng masasamang espiritu na ibig maghiganti ang tahanang kanilang nilipatan.
Mapapanood na ang Amorosa: The Revenge sa August 29 handog ng Skylight Films distributed by Star Cinema.




No comments:
Post a Comment