
Hango sa isang episode ng Shake, Rattle and Roll series na nag umpisang manakot sa mga Pilipino noong 1984 na sinulat ni Amado Lacuesta Jr. at idinerik ni Ishmael Bernal, inihahandog ng Regal films ang "Pridyider". Pinagbibidahan nina Andi Eigenmann bilang Tina Benitez (na ginampanan ni Janice de Belen sa orihinal na pelikula) , Janice de Belen bilang Mrs. Benitez, JM De Guzman bilang James Dean Co, Joel Torre bilang Mr. Benitez, Ronnie Lazaro bilang Detective Albay, Bekimon bilang Agatha, Baron Geisler bilang Dick, pinakikilala si Venus Raj bilang Celine.
Ang original episode ay instant hit at kabilang sa list ng Most Haunting and Memorable Pinoy Horror Movies ng ilang manunuri. Sa pagpapalabas ng bagong bersyon, sana ay mapantayan nito ang naunang pelikula. Nakatutuwa din na after 28 years na isinapelikula ang Pridyder, kabilang pa rin si Janice sa horor movie na ito.
Mapapanood ang Pridyider sa September 22 sa direksyon ni Rico Maria Ilarde.
Pridyider 2012 trailer:
Panoorin ang Shake, Rattle and Roll 1.






































