Showing posts with label ronaldo valdez. Show all posts
Showing posts with label ronaldo valdez. Show all posts

Bea Alonzo in doing The Mistress: "Mahirap siya, feeling ko aatakehin ako sa puso kada eksena".

Handog ng Star Cinema ang pagbabalik tambalan na nagsimula noong 2002 via teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay. Bida sa The Mistress na showing on September 12 in more than 100 theatres sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Ito na ang pinakamatapang na pagganap ni Bea bilang aktres .“Seriously, kinakabahan talaga ako hanggang ngayon. Nagdalawang isip ako noong una kung kaya ko siyang gawin kasi nasanay na ako sa comfort zone ko na ano ako yung regular na mabait na character. By far, ito pinakamatapang na movie ko dahil marami akong ginawa dito na never ko pa nagawa sa teleserye man o pelikula. Mahirap siya, feeling ko aatakehin ako sa puso kada eksena,” paliwanag ni Bea.

Kung inyong matatandaan, si Derek Ramsay ang dapat sana'y kasama ni Bea sa pagbabalik pelikula niya ngunit gawa nga na lumipat ang una sa ibang istasyon ng tv, pinalitan si Derek ni JLC. Kung ako ang tatanungin, mas exciting ang tambalang Bea at John lloyd na tiyak susuportahan pa rin ng kanilang mga tagahanga. Mas malaki di hamak ang fan base ng dalawa kaysa sa nananamlay na career ni Derek.

Ang The Mistress ay selebrasyon ng 10th year bilang Loveteam nina John Lloyd cruz at Bea Alonzo. Kasama sa pelikula ang mga batikang aktor na sina Ronaldo Valdez at nagbabalik na si Hilda Koronel sa direksyon ng award-winning direktor Olivia Lamasan.