Showing posts with label Regal Films. Show all posts
Showing posts with label Regal Films. Show all posts

"Pridyider" ni Andi, mapantayan kaya ang unang bersyon ni Janice?



Hango sa isang episode ng Shake, Rattle and Roll series na nag umpisang manakot sa mga Pilipino noong 1984 na sinulat ni Amado Lacuesta Jr. at idinerik ni Ishmael Bernal, inihahandog ng Regal films ang "Pridyider". Pinagbibidahan nina Andi Eigenmann bilang Tina Benitez (na ginampanan ni Janice de Belen sa orihinal na pelikula) , Janice de Belen bilang Mrs. Benitez, JM De Guzman bilang James Dean Co, Joel Torre bilang Mr. Benitez, Ronnie Lazaro bilang Detective Albay, Bekimon bilang Agatha, Baron Geisler bilang Dick, pinakikilala si Venus Raj bilang Celine.
 
Ang original episode ay instant hit at kabilang sa list ng Most Haunting and Memorable Pinoy Horror Movies ng ilang manunuri. Sa pagpapalabas ng bagong bersyon, sana ay mapantayan nito ang naunang pelikula. Nakatutuwa din na after 28 years na isinapelikula ang Pridyder, kabilang pa rin si Janice sa horor movie na ito.  
 
Mapapanood ang Pridyider sa September 22 sa direksyon ni Rico Maria Ilarde.
 

 
 
Pridyider 2012 trailer: 


Panoorin ang Shake, Rattle and Roll 1.

Poster ng pelikulang Guni-guni ni Lovi Poe, ginaya sa isang Thai Horror movie?


Ngayong Miyerkules (August 22) na ang playdate ng Guni-guni na pinagbibidahan ng tinaguriang bagong "Princess of Horror" Movies na si Lovi Poe o Lourdes Virginia Moran Poe sa tunay na buhay . Kabilang sa mga hit horror fims na ginawa ni Lovi ang Shake, Rattle & Roll 9 (2009), White House at Aswang (2011), Tiktik:The Aswang Chronicles (October 2012). Gamay na ng seksi aktres ang paggawa ng ganitong pelikula at effective naman ang kanyang pagganap. Sa mga hindi nakakaalam, kay Jennelyn Mercado unang inalok ni Mother Lily Monteverde ng Regal films ang role ni Lovi ngunit naging mailap ang schedule ng una kaya ito na mismo ang nag back-out sa dapat sanay pagbabalik pelikula ni Jen. Hindi naman magsisisi ang fans ng horror movies dahil kahit second choice lang si Lovi, naging maganda ang kinalabasan ng movie base sa napapanood nating trailer. Salamat sa batang direktor na si Tara Illenberger!

Pero ano itong napansin natin? Hawig na hawig ang movie posters ng Guni-guni sa Thai horror film na Alone na ipinalabas noong 2007. Di kaya hango sa Thai movie ang Guni-guni? Bilang hilig ko ring manood ng asian movies lalo na gawang Thailand, napanood ko na ang Alone at eto lang ang masasabi ko. Magkaiba ang dalawang nabanggit na movie base na rin sa trailer ng pelikula ng Regal. Kaya upang mahusgahan kung totoo nga, panoorin natin ang Guni-guni sa Miyerkules, August 22.



Movie posters ng Guni-guni at Thai movie na Alone: