Showing posts with label Horror. Show all posts
Showing posts with label Horror. Show all posts

"Pridyider" ni Andi, mapantayan kaya ang unang bersyon ni Janice?



Hango sa isang episode ng Shake, Rattle and Roll series na nag umpisang manakot sa mga Pilipino noong 1984 na sinulat ni Amado Lacuesta Jr. at idinerik ni Ishmael Bernal, inihahandog ng Regal films ang "Pridyider". Pinagbibidahan nina Andi Eigenmann bilang Tina Benitez (na ginampanan ni Janice de Belen sa orihinal na pelikula) , Janice de Belen bilang Mrs. Benitez, JM De Guzman bilang James Dean Co, Joel Torre bilang Mr. Benitez, Ronnie Lazaro bilang Detective Albay, Bekimon bilang Agatha, Baron Geisler bilang Dick, pinakikilala si Venus Raj bilang Celine.
 
Ang original episode ay instant hit at kabilang sa list ng Most Haunting and Memorable Pinoy Horror Movies ng ilang manunuri. Sa pagpapalabas ng bagong bersyon, sana ay mapantayan nito ang naunang pelikula. Nakatutuwa din na after 28 years na isinapelikula ang Pridyder, kabilang pa rin si Janice sa horor movie na ito.  
 
Mapapanood ang Pridyider sa September 22 sa direksyon ni Rico Maria Ilarde.
 

 
 
Pridyider 2012 trailer: 


Panoorin ang Shake, Rattle and Roll 1.

Poster ng pelikulang Guni-guni ni Lovi Poe, ginaya sa isang Thai Horror movie?


Ngayong Miyerkules (August 22) na ang playdate ng Guni-guni na pinagbibidahan ng tinaguriang bagong "Princess of Horror" Movies na si Lovi Poe o Lourdes Virginia Moran Poe sa tunay na buhay . Kabilang sa mga hit horror fims na ginawa ni Lovi ang Shake, Rattle & Roll 9 (2009), White House at Aswang (2011), Tiktik:The Aswang Chronicles (October 2012). Gamay na ng seksi aktres ang paggawa ng ganitong pelikula at effective naman ang kanyang pagganap. Sa mga hindi nakakaalam, kay Jennelyn Mercado unang inalok ni Mother Lily Monteverde ng Regal films ang role ni Lovi ngunit naging mailap ang schedule ng una kaya ito na mismo ang nag back-out sa dapat sanay pagbabalik pelikula ni Jen. Hindi naman magsisisi ang fans ng horror movies dahil kahit second choice lang si Lovi, naging maganda ang kinalabasan ng movie base sa napapanood nating trailer. Salamat sa batang direktor na si Tara Illenberger!

Pero ano itong napansin natin? Hawig na hawig ang movie posters ng Guni-guni sa Thai horror film na Alone na ipinalabas noong 2007. Di kaya hango sa Thai movie ang Guni-guni? Bilang hilig ko ring manood ng asian movies lalo na gawang Thailand, napanood ko na ang Alone at eto lang ang masasabi ko. Magkaiba ang dalawang nabanggit na movie base na rin sa trailer ng pelikula ng Regal. Kaya upang mahusgahan kung totoo nga, panoorin natin ang Guni-guni sa Miyerkules, August 22.



Movie posters ng Guni-guni at Thai movie na Alone:
              
              


Amorosa: The Revenge ni Angel, Martin at Enrique makikipagsabayan sa horror films


Sunod-sunod ang pinapalabas na horror films ngayong taon. Nauna ang blockbuster hit na Corazon: Ang unang Aswang nina Erich Gonzales at Derek Ramsey noong Marso. Nitong Hulyo lang, pinilahan din ang pagbabalik pelikula ni Star for All Season Vilma Santos via The Healing. Itatanghal din ang Guni-guni starring Lovi Poe ngayong August 22. Coming soon naman ang higanteng Tiktik: The Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes, The Basement starring GMA stars lead by Kristofer Martin, Enzo Pineda, Louise De Los Reyes, Sarah Labhati. Shake, Rattle and Roll naman sa Disyembre na ika 14th installment na.

Isa pang palabas na kabilang sa horror genre ang huhusgahan kung papatok sa takilya. Eto ay ang Amorosa: The Revenge. Bida si Angel Aquino kasama ang teen heartthrobs na sina Enrique Gil at Martin del Rosario sa direksyon ni Topel Lee. Si direk Topel ang gumawa ng Ouija (Jolina, Juday, Iza, Rhian), Tumbok (Christine Reyes), Sundo (Robin Padilla) at White House (Gabby Concepcion) kaya inaasahan pa rin na maganda at talagang nakakatakot ang movie na ito.
Kuwento ito ng isang pamilya na bagong lipat ng bahay. Lingid sa kaalaman ng pamilya na pinamumugaran ng masasamang espiritu na ibig maghiganti ang tahanang kanilang nilipatan.
Mapapanood na ang Amorosa: The Revenge sa August 29 handog ng Skylight Films distributed by Star Cinema.







The making of a giant movie Tiktik: The Aswang Chronicles

Mas exciting sa takot ang Halloween month  dahil sa pagpapalabas ng TikTik: The Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes at Lovi Poe. Tuloy na tuloy na nga ang showing ng pelikula. Base mga interviews kay Dingdong na isang ring producer ng pelikula, noong nakaraang taon pa natapos ang Tiktik. Pinagtuunan ng matagal ang post production at naghanap ng magandang playdate. Kung inyong napansin ang trailer, meron na etong english subtitles dahil nakatakdang mag screening ang movie ni Erik Matti pagkatapos maipalabas dito sa Pilipnas.






Silipin ang ilang eksena matapos malapatan ng special effects:








Huwag kalimutang panoorin ang TikTik: The Aswang Chronicles on October 17, 2012 sa inyong paboritong sinehan.


Dingdong makes history through Tiktik: The Aswang Chronicles


Isa pang aabangan ng buong bansa ang pagpapalabas ng Tiktik:The Aswang Chronicles na pinrudyos ni Dingdong Dantos para sa kanyang Agostodos Films, kasama ang Reality Entertainment in Dondon Monteverde, Postmanila Mothership at GMA Films. Ngayon pa lang, usap usapan na sa internet ang trailer ng nasabing pelikula na masisilayan na sa mga sinehan ngayong October 17. Base sa press release, ang buong movie ay entirely shot sa green screen at CGI supernatural elements. Ibig sabihin, ang mga aktor, bahay at sasakyan lamang ang totoo. Lahat ng background na makikita tulad ng mga puno, kalangitan, bundok at Aswang ay pawang ginamitan na ng latest computer technology. Ang galing di ba.

Bahagi ng promotion ng Tiktik ay naglabas ng graphics ang team ni Dingdong noong Mayo sa Komikon. Noon din unang pinalabas ang teaser trailer na talaga namang pinalakpakan ng nakapanood nito.

Tampok sa pelikula sina Lovie Poe, LJ Reyes, Janice De Belen, Joey Marquez, Ramon Bautista sa direksyon ng nagbabalik na si Erik Matti ( Rounin, Exodus, Gagamboy).