
Ngayong Miyerkules (August 22) na ang playdate ng Guni-guni na pinagbibidahan ng tinaguriang bagong "Princess of Horror" Movies na si Lovi Poe o Lourdes Virginia Moran Poe sa tunay na buhay . Kabilang sa mga hit horror fims na ginawa ni Lovi ang Shake, Rattle & Roll 9 (2009), White House at Aswang (2011), Tiktik:The Aswang Chronicles (October 2012). Gamay na ng seksi aktres ang paggawa ng ganitong pelikula at effective naman ang kanyang pagganap. Sa mga hindi nakakaalam, kay Jennelyn Mercado unang inalok ni Mother Lily Monteverde ng Regal films ang role ni Lovi ngunit naging mailap ang schedule ng una kaya ito na mismo ang nag back-out sa dapat sanay pagbabalik pelikula ni Jen. Hindi naman magsisisi ang fans ng horror movies dahil kahit second choice lang si Lovi, naging maganda ang kinalabasan ng movie base sa napapanood nating trailer. Salamat sa batang direktor na si Tara Illenberger!
Pero ano itong napansin natin? Hawig na hawig ang movie posters ng Guni-guni sa Thai horror film na Alone na ipinalabas noong 2007. Di kaya hango sa Thai movie ang Guni-guni? Bilang hilig ko ring manood ng asian movies lalo na gawang Thailand, napanood ko na ang Alone at eto lang ang masasabi ko. Magkaiba ang dalawang nabanggit na movie base na rin sa trailer ng pelikula ng Regal. Kaya upang mahusgahan kung totoo nga, panoorin natin ang Guni-guni sa Miyerkules, August 22.
Movie posters ng Guni-guni at Thai movie na Alone:






